Skip to main content

Posts

It's More Than Just "I Do"

Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para inyong mahalin, protektahan at ingatan. Mayroon kayong malaking role in your relationship as how Christ offered his life for the world. CHRIST SHOWED compassion to the women of his time kahit na mataas ang discrimation. The women even witnessed the greatest story of victory in the history- His resurrection after dying on the cross! Hangga't hindi natin nauunawaan kung gaano nakaugnay ang ating buhay sa guidance ng Diyos, we will never appreciate God and much more, our partners. Dahil kapag nakita natin ang lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin, at siya mismo ang kaharap mo ng sabihin mo sa iyong asawang babae ang mga salitang, "SA HIRAP AT GINHAWA, SA SAKIT O KAMATAYAN MAN, TAYONG DALAWA AY MAGSASAMA at IKAW LANG ANG AKING MAHAHALIN". Matatakot kang gumawa ng mga bagay na alam mong masasaktan mo ang asawa mo, dahil hindi ka lang sa kanya nangako kundi nangako ka sa Diyos na nagbigay ng buhay mo at nagbigay sa iyo ng iyong kabiyak.
Recent posts

Para sa Legal Wife

Kadalasang emotional outburst ng isang misis sa asawang nagloko ay , "GINAWA KO NAMAN LAHAT, ANO PA BA ANG KULANG?"... WE COMMEND THOSE WIVES WHO PAINSTAKINGLY giving everything to their families Saludo po kami sa inyo! Walang justification that anyone can use to commit adultery, because in the eyes of God, it is a sin. Men and women has the responsibility to their partners and one of those is to be faithful. Hindi lang po mga lalaki ang nagkocommit ng kasalanan kundi pati tayong mga babae. If we feel tired from our daily routine, we look for other breather, and minsan ibang tao to express our disappointments sa mga partners natin. If you want to secure your marriage/relationship, one thing you need to keep in mind is to protect your partner's weaknesses to other people kahit pa sa pamilya nyo. May mga away ang mag asawa na hindi na dapat pinararating sa iba, o hinihingan ng opinyon ang ka opposite sex. Kayo mismo ang mag -aayos nito. Kayo ang magreresolba. Because

ANG PLATO: Repleksyon sa Katotohanan ng Buhay

Minsan ko nang naisip ang sumulat ng isang artikulo patungkol sa Plato. Sa totoo lang, marami ang mag iisip at magtataka kung bakit sa dinami-dami ng mga bagay na aking napili na bigyan ng repleksyon ay plato pa… Marahil kasi’y mahilig akong kumain, at malamang kayo rin? Hindi ba? Ang plato ay isang gamit na pangkusina, partikular na gamit sa tuwing tayo ay kakain. Wala nga yatang bahay ang walang plato. (Maliban sa bahay ng daga, kalapati o aso).  Mayaman, mahirap, kahit ang mga nasa bangketa ay may plato iba iba nga lamang ng kaledad. Mayroong platong gawa sa porselana, seramika (yata???) at mayroon din namang paper plate na ginagamit sa mga party para makaiwas sa pagod ng paghuhugas ng kinainan ng ibang mga tao.  Sa mga walang wala o yung mga nakatira sa bundok , okay na ang dahon ng saging o anupamang dahon na malapad na pwedeng ilagay ang mainit na kanin at ulam,… yung mga nasa lansangan naman , ang plastik labo ang kaibigan para lamang makakain ng matiwasay.