Skip to main content

ANG PLATO: Repleksyon sa Katotohanan ng Buhay

Minsan ko nang naisip ang sumulat ng isang artikulo patungkol sa Plato. Sa totoo lang, marami ang mag iisip at magtataka kung bakit sa dinami-dami ng mga bagay na aking napili na bigyan ng repleksyon ay plato pa…
Marahil kasi’y mahilig akong kumain, at malamang kayo rin? Hindi ba?

Ang plato ay isang gamit na pangkusina, partikular na gamit sa tuwing tayo ay kakain. Wala nga yatang bahay ang walang plato. (Maliban sa bahay ng daga, kalapati o aso).

 Mayaman, mahirap, kahit ang mga nasa bangketa ay may plato iba iba nga lamang ng kaledad. Mayroong platong gawa sa porselana, seramika (yata???) at mayroon din namang paper plate na ginagamit sa mga party para makaiwas sa pagod ng paghuhugas ng kinainan ng ibang mga tao.

 Sa mga walang wala o yung mga nakatira sa bundok , okay na ang dahon ng saging o anupamang dahon na malapad na pwedeng ilagay ang mainit na kanin at ulam,… yung mga nasa lansangan naman , ang plastik labo ang kaibigan para lamang makakain ng matiwasay. Iba-iba man ng hugis, kulay, kaledad at halaga, iisa lang ang gamit at ito ay makapagbigay ng kaginhawahan sa mga nagugutom.

Maaari kang kumain sa plato na gamit lamang ang iyong mga kamay, ngunit hindi ka maaring kumain sa tinidor o sa kutsara  dahil siguradong mabibitin ka. Try mo minsan, maiinis ka lang. :-p

Iba iba rin tayo ng pamamaraan sa paglilinis nito matapos kainan, ang iba’y matapos sabunin ay isasalpak na lamang sa tauban, ang iba naman ay binabantuan pa ng mainit na tubig at pupunasan ng tuyong basahan upang masiguro na maayos itong magagamit sa susunod na kainan.

Sa bansang Greece, popular ang pagbabasag ng plato upang ilabas ang ihinanakit sa isang tao o sa isang pangyayari. Sa halip na ibunton mo sa tao ang galit na iyong nararamdaman ay sa plato mo nalang ito ilabas. (Bakit nga kaya hindi nalang ibato ang plato sa muka ng taong kinaiinisan mo? Hahahaha…) Huwag nalang… kawawa ang plato baka mabasag lang sa matitigas ang muka. Gayun pa man, pasalamat nalang din tayo at ang Pilipino ay may pagpapahalaga sa mga bagay kahit sa mga gamit na sinauna na at , sa halip na ibato ito o gamitin upang makasakit ng kapwa ay iniingatan ito upang may magamit ang susunod ng henerasyon.

Kung maari nga lamang na sa paulanan ng porselanang plato ang mga sakim at mapagsamantalang tao na nagnanakaw ng pagkakataon sa mahihirap na magkaroon ng disenteng pagkain sa hapag, huway nat????

Kapag naiisip ko ang mga pamilya at mga bata na masayang kinakain ang kakarampot na kanin at ulam upang maitawid ang kumakalam at humahapding sikmura , hindi ko maiwasang malungkot sa tangan kong plato na kinainan ko kanina lang.


Ilang kayang milyong mga tao sa mundo ang hindi nakahawak ng matinong plato at nabusog sa kanilang kinain.
Minsan akong nakapanuod ng dokyumentayo patungkol sa mahihirap na pamilya na namumulot ng pagkain ng ibang tao na tira-tira sa fast food chains. Derektang sa basurahan pa nga kung kumain at hayok na hayok sa natirang pancit canton at chicken joy. Bago pa man nila pagsaluhan sa hapag ang mga tirang pagkain ng mga taong “maraming pambili”, ay ipinagpasalamat ng ama ng tahanan ang biyaya na malalamnan ng masarap- sarap na pagkain ang tiyan ng kaniyang asawa at mga anak. Samantalang yung iba, sa sobrang sarap ng pagkain, hindi na magawang manalangin.. tsk tsk…

Ang buhay, katulad ng plato ay bilog. Walang sulok. Patuloy na umiikot, at tila ba walang katapusan. Minsan ay nasa ilalim… minsan ay nasa itaas. Minsa’y sagana, minsan ay salat. Maraming ring hinahain ang buhay sa plato ng bawat isa. May mga pagkakataon na kahit ayaw pa natin itong kainin ay wala tayong pagpipiliian, dahil sa ganitong paraan lamang tayo mabubuhay.

Gaya ng pag-ibig ni Jesus sa ating lahat, inihain Niya mismo ang kanyang buhay para tayo ay mabuhay. Inilagay niya ang kanyang sarili sa plato mo, nang hindi kana kailanman magugutom...

May pagkakataon din na masarap ang pagkain, nangangahulugan ito na hindi laging malungkot at salat, dahil ang Diyos ang siyang nagpupuno at nagbibigay ng biyaya sa panahon na ang ating plato ay wala ng laman. . Magkakaroon ito at hindi mauubusan, basta’t matutuo lamang din tayong magbahagi sa ating kapwa sa kung anong meron man tayo at tiyak na ito ay babalik sa atin…

Kaya, kapatid, sa tuwing kakain ka na gamit ang plato mo, tumingala ka muna at magpasalamat… dahil malalamnan na naman ang iyong sikmura ng Biyaya mula galing sa Itaas. Huwag mo rin limuting isama sa Iyong dalangin ang mga taong kapos at umaasa sa habag ng iba...

Comments

  1. Silver vs Titanium: Which is the Best Metal? -Tianium-Arts.com
    I would like to give you some insight into trekz titanium the history titanium wedding ring of the thinkpad x1 titanium Silver and the Bronze Age. It 출장안마 is the best alloy ever babylisspro nano titanium made.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

It's More Than Just "I Do"

Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para inyong mahalin, protektahan at ingatan. Mayroon kayong malaking role in your relationship as how Christ offered his life for the world. CHRIST SHOWED compassion to the women of his time kahit na mataas ang discrimation. The women even witnessed the greatest story of victory in the history- His resurrection after dying on the cross! Hangga't hindi natin nauunawaan kung gaano nakaugnay ang ating buhay sa guidance ng Diyos, we will never appreciate God and much more, our partners. Dahil kapag nakita natin ang lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin, at siya mismo ang kaharap mo ng sabihin mo sa iyong asawang babae ang mga salitang, "SA HIRAP AT GINHAWA, SA SAKIT O KAMATAYAN MAN, TAYONG DALAWA AY MAGSASAMA at IKAW LANG ANG AKING MAHAHALIN". Matatakot kang gumawa ng mga bagay na alam mong masasaktan mo ang asawa mo, dahil hindi ka lang sa kanya nangako kundi nangako ka sa Diyos na nagbigay ng buhay mo at nagbigay sa iyo ng iyong kabiyak....

Para sa Legal Wife

Kadalasang emotional outburst ng isang misis sa asawang nagloko ay , "GINAWA KO NAMAN LAHAT, ANO PA BA ANG KULANG?"... WE COMMEND THOSE WIVES WHO PAINSTAKINGLY giving everything to their families Saludo po kami sa inyo! Walang justification that anyone can use to commit adultery, because in the eyes of God, it is a sin. Men and women has the responsibility to their partners and one of those is to be faithful. Hindi lang po mga lalaki ang nagkocommit ng kasalanan kundi pati tayong mga babae. If we feel tired from our daily routine, we look for other breather, and minsan ibang tao to express our disappointments sa mga partners natin. If you want to secure your marriage/relationship, one thing you need to keep in mind is to protect your partner's weaknesses to other people kahit pa sa pamilya nyo. May mga away ang mag asawa na hindi na dapat pinararating sa iba, o hinihingan ng opinyon ang ka opposite sex. Kayo mismo ang mag -aayos nito. Kayo ang magreresolba. Because...