Minsan ko nang naisip ang sumulat ng isang artikulo patungkol sa  Plato. Sa totoo lang, marami ang mag iisip at magtataka kung bakit sa  dinami-dami ng mga bagay na aking napili na bigyan ng repleksyon ay  plato pa…  Marahil kasi’y mahilig akong kumain, at malamang kayo rin? Hindi ba?   Ang  plato ay isang gamit na pangkusina, partikular na gamit sa tuwing tayo  ay kakain. Wala nga yatang bahay ang walang plato. (Maliban sa bahay ng  daga, kalapati o aso).    Mayaman, mahirap, kahit ang mga  nasa bangketa ay may plato iba iba nga lamang ng kaledad. Mayroong  platong gawa sa porselana, seramika (yata???) at mayroon din namang  paper plate na ginagamit sa mga party para makaiwas sa pagod ng  paghuhugas ng kinainan ng ibang mga tao.    Sa mga walang  wala o yung mga nakatira sa bundok , okay na ang dahon ng saging o  anupamang dahon na malapad na pwedeng ilagay ang mainit na kanin at  ulam,… yung mga nasa lansangan naman , ang plastik labo ang kaibigan  para lamang makakain ng ma...